1 Corinto 14:26
Print
Kaya ano'ng ibig kong sabihin, mga kapatid? Sa inyong pagkakatipon, bawat isa ay may awit, may aral, may pahayag, may wika, o kaya'y may pagpapaliwanag. Dapat isagawa ang lahat ng mga bagay para sa pagpapatibay ng iglesya.
Ano nga ito, mga kapatid? Pagka kayo'y nangagkakatipon ang bawa't isa sa inyo'y may isang awit, may isang aral, may isang pahayag, may wika, may isang pagpapaliwanag. Gawin ninyo ang lahat ng mga bagay sa ikatitibay.
Ano kung gayon, mga kapatid? Kapag kayo'y nagkakatipon, bawat isa ay may isang awit, isang aral, isang pahayag, isang wika, isang pagpapaliwanag. Gawin ninyo ang lahat ng mga bagay para sa pagpapatibay.
Ano nga ito, mga kapatid? Pagka kayo'y nangagkakatipon ang bawa't isa sa inyo'y may isang awit, may isang aral, may isang pahayag, may wika, may isang pagpapaliwanag. Gawin ninyo ang lahat ng mga bagay sa ikatitibay.
Ano ngayon ang dapat gawin, mga kapatid? Kapag kayo ay nagtitipun-tipon ang bawat isa sa inyo ay may awit, may katuruan, may ibang wika, may kapahayagan, may pagpapa­liwanag na mga wika. Ang lahat ng ito ay gawin ninyo nawa sa ikatitibay.
Kaya mga kapatid, ito ang nararapat ninyong gawin sa inyong pagtitipon: ang ibaʼy aawit, ang ibaʼy magtuturo, ang ibaʼy magpapahayag ng mensahe ng Dios, at ang ibaʼy magsasalita sa ibaʼt ibang wika na hindi nila natutunan, at ang iba namaʼy magpapaliwanag kung ano ang ibig sabihin ng mga sinasabi sa mga wikang iyon. At ang lahat ng inyong gagawin sa inyong pagtitipon ay gawin ninyo sa ikatitibay ng iglesya.
Ganito ang ibig kong sabihin, mga kapatid. Kung sa inyong pagtitipon ay may umaawit, may nagtuturo, may naghahayag ng kalooban ng Diyos, may nagsasalita sa iba't ibang mga wika, at mayroon namang nagpapaliwanag noon, gawin ninyo ang lahat ng iyan sa ikapagpapatibay ng iglesya.

Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version (FSV) Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.; Ang Biblia (1978) (ABTAG1978) Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978; Ang Biblia, 2001 (ABTAG2001) Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 2001; Ang Dating Biblia (1905) (ADB1905) Public Domain; Ang Salita ng Diyos (SND) Copyright © 1998 by Bibles International; Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) (ASND) Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®; Magandang Balita Biblia (MBBTAG) Magandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.; Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon) (MBBTAG-DC) by